San Miguel, Alaska at Meralco nagsipagwagi sa PBA Philippine Cup

By Jan Escosio July 28, 2021 - 09:12 PM

 

Unti-unti nang nagbabalik ang laro ni June Mar Fajardo makalipas ang mahigit isang taon na pagpapahinga kayat nilagok ng San Miguel ang Blackwater, 99-80, sa paghaharap nila sa 2021 PBA Philippine Cup sa Ynares Sports Center sa Pasig City.

Sa kanilang pagkatalo nanatiling walang panalo ang Bossing sa kanilang apat na laro.

Gumawa ng 16 puntos si Fajardo, bukod pa sa sinungkit na 11 rebounds at dalawang tira ang kanyang sinupalpal.

Sa ikalawang laro, sinamantala ng Alaska ang kamalasan ng Rain or Shine para maitakas ang panalo, 74-48, para maputol ang dalawang sunod na pagkatalo.

Pinangunahan ni Rodney Brondial ang Alaska sa kanyang 10 puntos para ilayo na ng husto ang laro at ipalasap sa Elasto Painters ang kanilang unang talo sa apat na laro.

Sa huling laro naman ay nagsanib puwersa sina Allein Maliksi at Chris Newsome para talunin ng Meralco ang Phoenix, 91-80.

Sa pagtatapos ng laro, 24 at 23 puntos ang ginawa ni Maliksi at Newsome.

Pansamantalang natigil din ang laro nang mabasa ang court dahil sa malakas na buhos ng ulan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.