Mga opisyal ng PNP dapat nasa lansangan na, isang linggo bago ang halalan

By Ruel Perez April 26, 2016 - 05:56 PM

Ricardo-marquezIpinag-utos ni PNP Chief Director General Ricardo Marquez sa kanilang mga air-conditioned na opisina ang lahat ng matataas na opisyal ng pulisya upang magbantay sa eleksyon.

Sa isinagawang pre-deployment conference ipinagbilin ni Marquez sa kanyang mga opisyal na dapat makita ang mga ito sa lansangan isang linggo bago pa sumapit ang araw ng botohan.

Nais din nito na makatanggap ng regular updates mula sa mga opisyal hinggil security situation sa ground.

Sinabi ni Marquez na kailangang lumabas at mag ikot-ikot ang mga opisyal upang maiparamdam ang kanilang presensiya  mula sa paghahatid ng mga vote counting machines o VCMs sa ibat ibang lugar, sa mga insidente ng pagtesting ng VCM, sa mismong araw ng eleksyon, gayundin sa pagbabalik ng mga VCMs sa mga tamang lugar para sa canvassing at sa panahon ng deklarasyon ng mga nanalo.

Ang pag-paplantsa aniya sa mga security preparation ang makapagbibigay katiyakan at kumpiyansa na sadyang nakahanda na ang PNP para sa eleksyon sa Mayo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.