Presidential Medal of Merit, P3-M at house and lot, ibinigay ni Pangulong Duterte kay Olympic gold medalist Diaz
Nasa P3 milyon at fully furnished na house and lot sa Zamboanga City ang ibinigay na pabuya ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Olympic gold medalist Hidilyn Diaz.
Sa courtesy call ni Diaz sa Pangulo sa pamamagitan ng teleconference, sinabi ng Punong Ehekutibo na bukod pa ito sa P10 milyong makukuha ng Pinay weightlifter mula sa pamahalaan.
Ayon sa Pangulo, galing ang P3 milyon sa Office of the President.
Ayon sa Pangulo, nakakabilib ang karangalang iniuwi ni Diaz.
Dagdag ng Pangulo, sa pagkakataong ito, siya ang sumasaludo kay Diaz.
“As expected the nation is ecstatic about your achievement. Your achievement is the achievement of the Philippine nation. We are extremely proud. We cannot express even in the words how we should really be shouting Halleliua. Pero salamat naman sa pagtiis mo. I hope that the years of toils, the years of disappointments, and the years na hindi maganda ang nangyari in the past, just forget them, you already have the gold. Gold is gold. And it would be good for you to just let bygones be bygones and dwell solely on your victory, together with your family and of course with the nation,” pahayag ng Pangulo.
Kasabay nito, binigyan din ng Pangulo si Diaz ng Presidential Medal of Merit.
“Then, you will have the one of the highest of the nation’s presidential medals, the presidential merit, presidential medal of merit. It will be given to you I think here in appropriate ceremonies,” dagdag ng Pangulo.
Nagpasalamat naman si Diaz kay Pangulong Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.