Promosyon sa Philippine Air Force unang biyayang natanggap ni Hidilyn Diaz pag-uwi ng Pilipinas

By Jan Escosio July 28, 2021 - 07:44 PM

Pagtungtong ni Filipina Olympic gold medalist Hidilyn Diaz sa Pilipinas mula sa Japan ay agad ibinigay sa kanya ang isa sa mga sinasabing pabuya ng kanyang tagumpay sa 2020 Tokyo Olympics.

Mahigit isang taon na nawala si Diaz sa Pilipinas dahil sa kanyang pagsasanay at paghanda sa ibang bansa para sa paglahok sa Olympics.

Base sa Tokyo Olympics Playbook kinakailangan na lumabas na ng Japan sa loob ng 48 oras ang mga atleta na natapos na ang pakikipagtagisan sa ibat-ibang kompetisyon.

Nang ipakita ni Diaz kay Interior Sec. Eduardo Año ang kanyang gintong medalya, sinuklian naman ito ng promosyon niya bilang staff sergeant sa Philippine Air Force.

Base sa mga naglabasang ulat, hindi bababa sa P35 milyon ang matatanggap na cash reward ni Diaz mula sa gobyerno, mga pribadong korporasyon at indibiduwal.

Sasailalim si Diaz sa pitong araw na quarantine sa isang hotel facility, kasama ang kanyang Chinese coach na si Gao Kaiwen at strength and conditioning coach Julius Naranjo.

Sa susunod na Miyerkules, nakatakdang makipagkita si Diaz kay Pangulong Duterte sa Malakanyang.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.