Sen. Ralph Recto pinayuhan ang gobyerno na makinig sa health experts ukol sa lockdown

By Jan Escosio July 28, 2021 - 06:47 PM

Nagsalita na ang mga siyentipiko at dapat makinig ang gobyerno.

 

Sinabi ito ni Senate Presidente Pro Tempore Ralph Recto kaugnay sa mga rekomendasyon na magpatupad muli ng mahigpit na lockdown bunga ng banta ng Delta variant ng COVID 19.

 

Ngunit pagdidiin ni Recto kung magkakaroon ng lockdown, siguraduhin lang na may maibibigay na ayuda.

“Just be mindful that if lockdown is the cure, then like any medicine, an overdose can be lethal. It is all about the right dosage and duration. It should go with ayuda, which is a good painkiller,” sabi nito.

Sinabi pa niya na kahit anong gamot ay kinakailangan na masabayan ng panlaman sa sikmura.

Ayon pa kay Recto, kailangan lang din na tiyakin ng gobyerno na ang iaabot na tulong ay mararamdaman ng lahat at aniya kailangan din na pag-isipan ng husto ang pagpapatupad ng checkpoints.

Pagdidiin pa ng senador kailangan din na malinaw na maipaliwanag ng Malakanyang sa sambayanan ang gagawing hakbang  sa mas maagang oras para pamunuan nito ang bansa sa pakikipagharap sa pandemya.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.