DOH, nagbabala laban sa kumakalat na mensahe ukol sa lockdown

By Angellic Jordan July 28, 2021 - 09:59 PM

Naglabas ng babala sa publiko ang Department of Health (DOH) kaugnay sa kumakalat na mensahe patungkol sa lockdown.

Nakasaad sa naturang mensahe ang mga lugar na kabilang umano sa iba’t ibang klasipikasyon ng circuit breaker o lockdown.

Nilinaw ng kagawaran na wala pang inilalabas na desisyon ang Inter-Agency Task Force kung anong quarantine classification ang ipatutupad sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa.

Pinayuhan ang publiko na huwag i-share o ikalat ang mga hindi beripikadong impormasyon upang maiwasan ang panic at pagkalito.

TAGS: circuitbreaker, DOHadvisory, granularlockdown, InquirerNews, lockdown, RadyoInquirerNews, circuitbreaker, DOHadvisory, granularlockdown, InquirerNews, lockdown, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.