‘All-out operation’ laban sa mga rebelde na nag-ambush sa mga pulis at health workers sa Samar

By Jan Escosio July 28, 2021 - 09:37 PM

Ipinag-utos ni PNP Chief Guillermo Eleazar ang ‘all-out operation’ laban sa mga rebeldeng komunista na nanambang sa mga pulis at healthworkers sa Pinabacdao, Samar kahapon ng hapon.

Ang mga pulis at health workers ay kukuha lang ng mga COVID 19 vaccines sa Tacloban City para sa mga mamamayan ng Calbayog City.

Matapos paulanan ng mga bala ang sasakyan ng mga pulis sa Barangay Lale ay nagpasabog pa ang mga ito ng improvised explosive device (IED).

Nagawa naman maprotektahan ng mga pulis ang mga kasama nilang empleado ng Calbayog City Health Office.

Kasabay nang pagtugis sa mga rebelde, ipinag-utos na rin ni Eleazar ang pagsasampa ng kaso sa mga ito.

“To condemn this another attack is not enough dahil hindi na tinatablan ng hiya at masasakit na salita ang mga taong ito,” ngitngit ni Eleazar.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.