Olympic gold medalist Hidilyn Diaz, nakauwi na ng Pilipinas

PAL photo

Nakauwi na ng Pilipinas ang kauna-unahang Olympic gold medalist ng Pilipinas na si Hidilyn Diaz.

Pasado 5:00, Miyerkules ng hapon (July 28), nang dumating ang Philippine Airlines flight PR-427 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2.

Maliban sa kaniyang team, kasama rin ni Diaz pauwi ng Pilipinas si Olympic Filipina skateboarder Margielyn Didal.

Bilang pagbati, nagbigay ang PAL ng congratulatory cake at champagne kina Diaz at Didal.

Nasungkit ni Diaz ang gintong medalya sa women’s 55 kilogram category ng Weightlifting Competition sa 2020 Tokyo Olympics noong Lunes.

Dederetso naman ang dalawang atleta sa isang hotel para sumailalim sa pitong araw na quarantine alinsunod sa health protocols.

Read more...