Mark Cojuangco ng NPC, suportado si VP Binay

By Len Montaño April 26, 2016 - 03:50 PM

Photo Release
Photo Release

Suportado ni Nationalist People’s Coalition (NPC) gubernatorial candidate Mark Cojuangco ang presidential bid ni United Nationalist Alliance standard-bearer Vice President Jejomar Binay.

Sa rally sa Sison, Pangasinan, sinabi ni Cojuangco, anak ni NPC Chairman Emeritus Danding Cojuangco, na ang malawak na karanasan ni Binay sa lokal na pamamahala ang lamang nito sa ibang presidential bets. Si Binay rin aniya ang nangunguna sa local surveys sa Pangasinan.

“Sa resultang nakukuha ko, far and away, lamang po si VP Binay dito sa probinsya ng Pangasinan. I am also echoing the sentiment of Pangasinenses. Ang survey ko po rito ay masinsin na survey kasi lokal na laban ang laban ko. Ang survey sampling size po namin ay 7 and 1/2 percent of (the) voting population. Matindi po ‘yan. Meron akong feel ng bawat barangay ng probinsya,” ani Cojuangco.

Ayon kay Cojuangco, napakalawak ng LGU experience ni Binay kaya naramdaman nito ang kakulangan ng Imperial Manila sa pagtugon ng mga national issue.

Nakipag-ugnayan aniya si Binay sa mga barangay captains sa mahigit dalawampung taon at marami itong natututunan na mga practical na bagay na hindi matututunan sa eskwelahan o mataas na kapulungan.

Sa kaniyang panig ay pinasalamatan ni Binay si Cojuangco sa walang sawa nitong suporta sa kanyang mga plano para sa kinabukasan ng bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.