Habagat, patuloy na magdudulot ng pag-ulan sa bansa
Patuloy na nakakaapekto ang Southwest Monsoon o Habagat sa buong bansa.
Ayon kay PAGASA weather specialist Ariel Rojas, mas nararanasan ang monsoon rains sa Batanes, Babuyan Group of Islands, Ilocos region, Abra, Apayao, Benguet, Zambales, Bataan, at Occidental Mindoro.
Asahan naman sa malaking bahagi ng Luzon ang kalat-kalat na pag-ulan.
Dahil dito, pinayuhan ang mga nakatira malapit sa ilog at mabababang lugar na maging alerto sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa.
Sa bahagi naman ng Visayas at Mindanao, sinabi ni Rojas na posibleng maranasan ang isolated thunderstorms sa hapon at gabi.
Walang namamataan ang weather bureau na sama ng panahon na posibleng maging bagyo sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.