Estrella-Pantaleon bridge, nakatakdang buksan ngayong linggo

By Angellic Jordan July 28, 2021 - 05:52 PM

DPWH photo

Inanunsiyo ni Public Works and Highways Secretary Mark Villar na bubuksan na sa mga motorista ang modern Estrella Pantaleon Bridge ngayong linggo.

Ang naturang tulay ang magkokonekta sa pagitan ng Mandaluyong at Makati.

Sinabi ng kalihim na sa kabila ng mga pinagdaanang pagsubok, natupad pa rin ng kagawaran na mabuksan ang naturang tulay sa buwan ng Hulyo.

Isinagawa ng DPWH Unified Project Management Office (UPMO) Operations ang naturang tulay.

Aniya, inaasahang makatutulong ang tulay upang mabawasan ang pagsisikip ng daloy ng trapiko sa Epifanio delos Santos Avenue (EDSA).

Araw ng Martes, July 27, 2021, nagsagawa pa si Undersecretary Emil Sadain ng final safety checking, kasama si Project Director Bautista.

Inaasahang kayang maserbisyuhan ng naturang tulay ang 50,000 sasakyan kada araw.

TAGS: Build Build Build program, DPWH, Estrella-Pantaleon Bridge, InquirerNews, Konkreto2022, MarkVillar, RadyoInquirerNews, Build Build Build program, DPWH, Estrella-Pantaleon Bridge, InquirerNews, Konkreto2022, MarkVillar, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.