Yellow rainfall warning nakataas sa bahagi ng Central Luzon
Nakataas ang heavy rainfall warning ang ilang lugar sa bansa.
Sa inilabas na abiso ng PAGASA bandang 2:00, Miyerkules ng hapon (July 28), ito ay dulot pa rin ng Southwest Monsoon o Habagat.
Nakataas ang yellow warning level sa Nueva Ecija (Nampicuan, Cuyapo, Guimba, Talugtug, Munoz, Lupao, San Jose, Pantabangan, Carranglan), Tarlac, Zambales, Bataan, at Pampanga.
Sinabi ng weather bureau na posibleng makararanas ng matinding pagbaha sa mabababang lugar.
Samantala, mararanasan naman ang mahina hanggang katamtaman na kung minsan ay mabigat na pag-ulan sa Laguna, Batangas at Quezon sa susunod na dalawa hanggang tatlong oras.
Mahina hangggang katamtamang pag-ulan naman ang iiral sa Metro Manila, Bulacan, Cavite at Rizal.
Pinayuhan ang publiko at disaster risk reduction and management council na manatiling nakatutok sa lagay ng panahon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.