Umabot na sa kabuuang 1,309,992 ang naiturok na COVID-19 vaccine sa lungsod hanggang sa araw ng Miyerkules, July 28.
Sa nasabing bilang, 825,998 o 48.59 porsyento ng 1.7 milyong target population ang nabigyan ng unang dose habang 483,994 o 28.47 porsyento naman ang second dose.
Sa ngayon, patuloy ang pag-arangkada ng vaccination program sa lungsod.
Muling hinikayat ang publiko na magpabakuna na para maabot ang population protection sa QC.
MOST READ
LATEST STORIES