Ipo, Ambuklao at Binga Dam nagpakawala ng tubig

By Chona Yu July 28, 2021 - 10:20 AM

DOST PAGASA Facebook photo

Nagpakawala ng tubig ang Ipo Dam, Ambuklao Dam at Binga Dam.

Ito ay dahil sa malakas na buhos ng ulan dulot ng Southwest Monsoon o Habagat.

Ayon sa Pagasa, alas 6:00 kaninang umaga nang buksan ng 0.15 meters ang isang gate ang Ipo Dam sa Bulacan.

Nabatid na nasa 100.92 meters ang reservoir water level ng Ipo Dam kung saan malapit nang maabot ang 101-meter normal high water level (NHWL).

Aabot naman sa 3 meters ang pagbubukas ng Limang gates sa Ambuklao Dam sa Benguet kaninanng alas 6:00 ng umaga.

Nasa 751.98 ang reservoir water level ng Ambuklao Dam at malapit nang maabot ang 752 meter normal high water level.

Anim na gate naman ang binuksan sa Binga Dam sa Benguet.

Nabatid na nasa 574.70 meters ang water level sa Binga Dam at malapit nang maabot ang 575-meter NHWL.

TAGS: Ambuklao dam, Binga dam, habagat, Ipo dam, Pagasa, Ambuklao dam, Binga dam, habagat, Ipo dam, Pagasa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.