Olympic Gold medalist Hidilyn Diaz naging sandalan ang suot na miraculous medal

By Chona Yu July 28, 2021 - 08:17 AM

Miraculous medal ang naging sandalan ni Olympic gold medalist Hidilyn Diaz.

Ayon kay Diaz, ibinigay sa kanya ng kanyang kaibigan ang miraculous medal bago ang laban sa Tokyo Olympics.

Nabatid na nag-novena ng siyam na araw ang kanyang mga kaibigan bago ang kompetisyon.

Ayon kay Diaz, ginawa niya rin ang pagno-novena para gabayan ng Panginoon.

Simbolo aniya ng kanyang pananampalataya kay Mama Mary at Jesus Christ ang suot na miraculous medal.

Nagpasalamat si Diaz sa mga nanalangin sa kanyang tagumpay sa Tokyo Olympics.

 

TAGS: hidilyn diaz, miraculous medal, novena, Tokyo Olympics, hidilyn diaz, miraculous medal, novena, Tokyo Olympics

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.