PNP, mag-iimbestiga sa 9 heneral na sangkot umano sa drug trafficking
Ipinag-utos na ni Philippine National Police (PNP) Chief, Police General Guillermo Eleazar ang masusing imbestigaston ukol sa isiniwalat ni Pangulong Rodrigo Duterte na mayroong siyam na police generals na sangkot umano sa drug trafficking.
Nang talakayin ang paglaban ng gobyerno sa korupsyon at ilegal na droga sa kaniyang huling State of the Nation Address (SONA), sinabi ng Pangulo na siyam na police general ang iniuugnay sa drug trafficking.
Siniguro ni Eleazar na mahigit niyang babantayan ang imbestigasyon ukol sa alegasyon.
Iginiit nitong muli na walang lugar ang mga tiwaling pulis sa kanilang hanay.
“Iimbestigahan nating mabuti ang bagay na ito. Aalamin at tutukuyin natin ang matataas na opisyal sa PNP na sinasabing sangkot sa iligal na droga,” pahayag nito.
Dagdag ni Eleazar, “Uulitin ko, walang puwang sa organisasyon para sa mga tiwaling pulis, lalo na ang sangkot sa iligal na droga.”
Inihayag na ni Surigao del Norte Representative Robert “Ace” Barbers na itutulak niya ang pagsasagawa ng congressional inquiry sa kaso ng siyam na police generals.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.