Itinaas ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang Yellow rainfall warning sa Metro Manila at iba pang kalapit na lalawigan.
Sa advisory ng PAGASA, alas 8:00 ng umaga ngayong araw, sakop din ng Yellow rainfall warning ang BUlacan, Zambales, Cavite, Batangas at Bataan.
Ayon sa PAGASA, makararanas ng malakas na pag-ulan sa nasabing mga lugar sa susunod na dalawang oras.
Babala ng PAGASA sa mga residente, maging handa sa posibleng pagbaha at landslides.
Mahina hanggang sa katamtamang ulan naman ang inaasahan sa Rizal, Laguna, Pampanga, Tarlac, Nueva Ecija at Quezon sa susunod na tatlong oras.
Ganap na alas 11:00 naman ng umaga, inalis na ng PAGASA ang lahat na umiiral na rainfall warning sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan./ Dona Dominguez-Cargullo
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.