Mukhang nadulas lang, sabi ng Malakanyang sa muntik na pagbagsak ni Pangulong Duterte

By Chona Yu July 27, 2021 - 01:17 PM

Minaliit lang ng Malakanyang ang muntik na pagkawala ng balanse ni Pangulong Duterte sa paglalakad nito sa Plenary Hall ng Mababang Kapulungan para ihatid ang kanyang huling Ulat sa Bayan.

 

Sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque mukhang nadulas lang si Pangulong Duterte.

 

Dagdag pa ni Roque dapat ay intindihin na senior citizen na ang Punong Ehekutibo sa pagsasabing; “alam ninyo, wala naman pi siyang extra ordinary na problema. He is who he is, he is a senior citizen at mukhang nadulas lang naman siya kahapon.”

 

Sa kanyang palagay, ayon kay Roque, walang dapat ipag-alala ang taumbayan.

 

Bago ito, sinabi ni Pangulong Duterte na may nakatapak sa kanyang paa kayat tila nawalan siya ng balance.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.