Pagkampaniya ni Pangulong Duterte sa VP bid ni SP Tito Sotto, pangiliti lang – Malakanyang

By Chona Yu July 27, 2021 - 01:02 PM

Hindi malaking isyu sa Malakanyang ang tila pangangampaniya ni Pangulong Duterte sa kanyang State of the Nation Address (SONA) kay Senate President Vicente Sotto III, na tatakbo sa pagka-bise presidente sa 2022 elections.

 

Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque pangiliti lang ni Pangulong Duterte ang panghihimok na iboto si Sotto.

 

Dagdag pa ni Roque ang sinabi ni Pangulong Duterte ay panghihikayat lang kay Sotto ang planong-pulitikal sa eleksyon sa susunod na taon.

 

“Hindi naman po. I think kinikiliti lang niya si Senate President kasi naroon siya and they had of course an occasion to meet, dahil siya iying sumalubong sa Kongreso. Kumbaga he is just encouraging Senate President ti pursue his political plans. Dahil demokrasya naman importante na mayroon pagpilian ang taumbayan,” pangangatuwiran pa ni Roque.

 

Diin nito, hindi pangangampaniya kay Sotto ang ginawa ng Punong Ehekutibo.

 

Maari pang magkatapat sina Pangulong Duterte at Sotto sa vice presidential race kung totohanin ng una ang kanyang pahayag na ikinukunsidera niyang kumandidato sa paparating na eleksyon.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.