Nanlaban! 2 miyembro ng human rights groups patay sa mga pulis sa Albay
Dalawang miyembro ng dalawang human rights groups ang napatay sa pakikipagbarilan diumano sa mga pulis sa Guinobatan, Albay madaling araw ng Lunes.
Kinilala ang napatay na sina Marlon Napire, 40, miyembro ng Albay People’s Organization at Jaymar Palero, 22, na miyembro naman ng Organisasyon ng mga Magsasaka sa Albay (OMA).
Sinabi ni Police Maj. Joel Jarabejo, ang hepe ng pulisya ng bayan, ala-1 nang maaktuhan nila ang dalawa na isinusulat ang ‘DUTERTE IBAGSAK’ gamit ang spray paint sa Banao Bridge sa Barangay Lower Binogsacan.
Aniya nang sitahin ang dalawa ay pinaputukan nila ang mga pulis.
Napatay ang dalawa sa pagganti ng mga pulis at nakuha sa kanila ang isang Caliber .45 na baril at .38 revolver at isang motorsiklo.
Kinondena ng Defend Bicol Stop The Attacks Network ang pangyayari dahil sa pahayag ng pulis na ‘nanlaban’ sina Napire at Palero.
Sa SONA kahapon ni Pangulong Duterte sinabi pa nito na mahal niya ang mga Bicolano.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.