Pangulong Duterte: After SONA kumain ako, hindi na-ospital!

By Chona Yu July 27, 2021 - 10:04 AM

 

Itinanggi ni Pangulong Duterte na isinugod siya sa ospital matapos ang kanyang mahigit dalawang oras na State of the Nation Address (SONA) kagabi.

 

Sinabi ng Punong Ehekutibo na naghapunan sila sa isang restaurant matapos ang kanyang huling Ulat sa Bansa.

 

Umugong ang hinala ng pagkaka-ospital ni Pangulong Duterte nang mamataan sa paligid ng Medical City ang ilang tauhan ng Presidential Security Group (PSG).

 

Iginiit ni Pangulong Duterte na malakas ang kanyang pangangatawan.

 

At para pabulaanan na siya ay dinala sa ospital, sinabi ni Pangulong Duterte, na nakipag-video call pa si Sen. Christopher Go sa ilang taga-media para patunayan na kasama niya ang Punong Ehekutibo sa hapunan.

 

Kaugnay naman sa muntik na niyang pagtumba habang naglalakad sa loob ng House Plenary, sinabi ng Pangulong Duterte na may nakatapak sa kanyang paa kayat muntik na siyang mawalan ng balanse.

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.