Mga panukalang batas na binanggit ni Pang. Duterte sa SONA, maipapasa sa lalong madaling panahon
Tiwala si House Committee on Ways and Means chairman Joey Sarte Salceda na maaprubahan sa Kongreso ang mga panukalang batas na binanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang huling State of the Nation Address (SONA) sa lalong madaling panahon.
Nakikita ni Salceda na dahil sa pagsusulong ng Pangulo sa mga panukalang, makatutulong ito sa pagbangon ng bansa.
Naniniwala ang kongresista na maaprubahan ang mga panukalang batas bago magkaroon ng bagong presidente ang Pilipinas.
Aniya, nahaharap pa rin sa pandemya ang buong bansa kung kaya kailangan ang pagkakaisa.
Isa sa inapelang panukala ng Pangulo sa kaniyang huling SONA ay ang pag-apruba sa reporma ukol sa pensyon ng military at uniformed personnel.
Binanggit din nito ang importansya ng Ease of Doing Business Act at iba pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.