Nananatiling sarado ang limang national road sections habang tatlo ang may limitadong access dahil sa Southwest Monsoon hanggang 6:00, Lunes ng umaga (July 26).
Ayon kay Public Works and Highways Secretary Mark Villar, karamihan sa mga binahang kalsada sa National Capital Region (NCR) ay naayos
Tatlong national road sections naman sa Cordillera Administrative Region at tig-isa sa Regions 3 at 4-B ang hindi pa rin maaring daanan ng mga motorista.
Apektado nito ang Baguio-Bontoc Road K0362+600, Busa Bridge, Sabangan, Mt. Province; Abra – Kalinga Road, K0489+900 sa Gacab, Malibcong, Abra and Abra – Ilocos Norte Road K0449+715 sa Nagaparan, Danglas, Abra; Junction Layac Balanga Mariveles Port Road Zigzag Section K0160+000 sa Bataan; at Mindoro West Coastal Road, K0353+900, Pag-asa Section, sa Sablayan, Occidental Mindoro.
Sarado rin ang Apalit Macabebe Masantol Road, K0057+700-K0063+400 sa Intermittent Sections at Sto Tomas – Minalin Road (Minalin- Macabebe Section), K0072+500-k0073+300 sa Pampanga; at Bigaa Plaridel via Bulacan at Malolos (Panginay Sect.) K0030+500-K0032+000 dahil sa pagbaha.
Patuloy naman ang pagtatrabaho ng DPWH Quick Response Teams na binubuo ng 338 personnel na may 51 equipment at service vehicles simula noong July 22, 2021.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.