Presyo ng mga produktong petrolyo, magkakaroon ng rollback simula bukas

By Angellic Jordan July 26, 2021 - 01:19 PM

Abiso sa mga motorista.

Magpapatupad ng pagtapyas sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Batay sa anunsiyo ng Caltex, Cleanfuel, Petro Gazz, PTT Philippines, Seaoil, at Shell, may bawas na P0.60 sa kada litro ng diesel habang P0.75 naman ang ikakaltas sa kada litro ng gasoline.

Mababawasan din ng P0.60 ang bawat litro ng kerosene ng Caltex, Seaoil at Shell.

Mauunang ipatupad ang oil price increase sa Caltex bandang 12:01, Martes ng madaling-araw (July 27).

Magiging epektibo naman ang oil price adjustment ng Petro Gazz, Shell, at Seaoil bandang 6:00, Martes ng umaga.

Samantala, dakong 8:01, Martes ng umaga magsisimulang mabago ang presyo ng mga produktong petrolyo ng Cleanfuel.

Asahang mag-aanunsiyo na rin ang iba pang oil companies ng kanilang oil price adjustment.

TAGS: DieselPrice, GasolinePrice, InquirerNews, KerosenePrice, OilPriceRollback, RadyoInquirerNews, DieselPrice, GasolinePrice, InquirerNews, KerosenePrice, OilPriceRollback, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.