Ilocos Norte, nakapagtala ng 247 bagong kaso ng COVID-19

By Angellic Jordan July 26, 2021 - 12:41 PM

Nakapagtala ng 247 na bagong kaso ng COVID-19 sa Ilocos Norte.

Sa datos na inilabas ng Provincial Government ng Ilocos Norte, umabot na sa 6,724 ang naitalang COVID-19 cases sa nasabing probinsya.

Sa nasabing bilang, 2,288 ang nananatili pang aktibo.

Pinakamarami pa ring aktibong kaso ng nakakahawang sakit sa Laoag City na may 898, sumunod ang Batac City na may 260.

Samantala, tatlo ang bagong nasawi kung kaya nasa 108 na ang COVID-19 related deaths sa Ilocos Norte.

40 namang residente ang bagong gumaling. Dahil dito, nasa 4,328 na ang COVID-19 recoveries sa naturang probinsya.

TAGS: breaking news, COVID-19 cases in Ilocos, COVID-19 deaths in Ilocos, COVID-19 Inquirer, COVID-19 pandemic, COVID-19 recoveries in Ilocos, Inquirer News, latest news on COVID-19, Radyo Inquirer news, breaking news, COVID-19 cases in Ilocos, COVID-19 deaths in Ilocos, COVID-19 Inquirer, COVID-19 pandemic, COVID-19 recoveries in Ilocos, Inquirer News, latest news on COVID-19, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.