Kaso ng COVID-19 sa mundo, umabot na sa 194.82 milyon

Reuters photo

Pumalo na sa 194.82 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 194,825,130 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 35,199,465 cases.

Sumunod na rito ang India na may 31,409,639 na nagpositibo sa pandemiya.

Nasa 19,688,663 naman ang kaso sa Brazil habang 6,126,541 ang napaulat na kaso sa Russia.

Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– France – 5,993,937
– United Kingdom – 5,697,912
– Turkey – 5,601,608
– Argentina – 4,846,615
– Colombia –  4,727,846
– Italy – 4,317,415
– Spain – 4,280,429
– Germany – 3,763,002
– Iran – 3,691,432
– Indonesia – 3,166,505

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 4,175,080 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.

Nasa 176,767,088 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...