Paghihigpit sa ‘border control’ para mapigilan ang pagkalat ng COVID 19 Delta variant – Go

July 26, 2021 - 08:54 AM

Kinonsulta ni Pangulong Duterte ang Inter-Agency Task Force (IATF) ang kanyang economic managers para sa paghihigpit ng ‘border control’ sa bansa, ayon kay  Senator Christopher Go.

Sinabi ng senador na ang hakbang ay para mapigilan ang pagkalat pa ng kaso ng Delta variant sa bansa kasunod na rin ng kumpirmasyon ng DOH na may local transmission na ng mas mapanganib na klase ng COVID 19.

Kayat mas pinag-iingat ni Go ang publiko at panawagan niya sa awtoridad higpitan pa ang pagpapatupad ng health and safety protocols.

“Dito naman sa atin, dapat mas higpitan ang pagpapatupad ng mga kasalukuyang health and safety protocols, katulad ng tamang pagsusuot ng mask at face shield, palaging paghuhugas ng kamay, pagsunod sa social distancing at hindi paglabas ng bahay kung hindi naman kinakailangan,” sabi pa nito.

Dagdag pa ni Go kinakailangan din na paigtin pa ng husto ang pagsasagawa ng contact tracing at taasan ang kapasidad ng mga pasilidad pangkalusugan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.