Makakaranas pa rin ng pag-ulan ngayon araw ang ilang bahagi ng bansa dahil sa epekto ng Southwest moonson o habagat, ayon sa PAGASA.
Ilan lang sa inaasahan na uulanin ay ang Ilocos Region, Zambales, Bataan at Occidental Mindoro.
Samantala, magiging maulap sa Metro Manila na may kalat-kalat na pag-ulan, gayundin sa mga lalawigan ng Abra, Benguet, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Cavite at Batangas.
Ang bagyong In-Fa o Fabian ay lumabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR), samantalang ang tropical storm na may international codename na Nepartak ay huling namataan sa layong 1,070 ng dulo ng Hilagang Luzon.
Taglay nito ang lakas ng hangin na umaabot sa 100 kilometro kada oras malapit sa gitna at bugso na aabot sa 140 kilometro kada oras.
Kumikilos ito sa direksyon ng Hilaga-Kanluran sa bilis na 10 hanggang 20 kilometro kada oras.