Pagpasok ng ‘super bagyo’ sa Pilipinas pinabulaanan ng PAGASA

Fake news!

Ito ang sinabi ngayon gabi ng PAGASA ukol sa kumakalat sa social media na may super bagyo ang nagbabanta na papasok sa bansa.

Ang super bagyo ayon pa sa impormasyon ay tatawaging ‘Maria.’

Sa paglilinaw ng PAGASA, bukod sa Typhoon ‘In-Fa’ at Tropical Storm ‘Nepartak,’ na nasa labas pa ng Philippine Area of Responsibility (PAR), ay wala na silang ibang binabantayan na tropical cyclones na papasok sa PAR at tatami sa kalupaan sa susunod na tatlo hanggang limang araw.

Diin ng ahensiya, ito ay base sa mga hawak nilang impormasyon at datos.

Ginawa ng PAGASA ang paglilinaw para maiwasan ang walang basehan na pangamba ng publiko.

Pinayuhan nila ang publiko na paniwalaan lang ang mga impormasyon na nasa kanilang official website, oficial social media at video sharing accounts.

Read more...