Labing-pitong dagdag na kaso ng COVID-19 Delta variant ang na-detect ng Department of Health.
Ayon sa DOH, sa naturang bilang, 12 ang local cases habang ang apat ay beniberipika pa kung returning overseas Filipinos. Ang isa ay kumpirmadong returing overseas Filipino.
Nabatid na sa local cases, siyam ang naitala sa Metro Manila habang tatlo ang sa Calabarzon.
Ayon sa DOH, 64 na ang kabuuang bilang ng Delta variant cases sa bansa.
Patuloy ang panawagan ng DOH sa publiko na mag-ingat dahil mas mapanganib ang Delta variant.
Ayon sa DOH, dapat magsuot pa rin ng face mask, face shield, mag hugas ng kamay at iba pa.
MOST READ
LATEST STORIES