Pagpapatrulya sa backdoor border sa Mindanao pinahihigpitan ni Senador Bong Go
Humihirit si Senador Bong Go kay Pangulong Rodrigo Duterte na higpitan na rin ang entry points sa backdoor border sa Mindanao.
Ito ay para masiguro na hindi na dumami pa ang kaso ng Delta variant ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Go, dapat na paigtingin ang pagpapatrulya sa mga malalaking airport at seaport para masiguro ang kaligtasan ng bawat isa.
“Patuloy rin ang pagmo-monitor ng sitwasyon sa ibang bansa kaya nag-i-implement tayo ng stricter travel restrictions sa mga galing sa high risk countries, tulad ng Indonesia, Malaysia at Thailand,” pahayag ni Go.
Dapat din aniyang paigtingin ang health protocol sa bansa gaya ng testing, contact tracing, at isolation.
“Dito naman sa atin, dapat mas higpitan ang pagpapatupad ng mga kasalukuyang health and safety protocols, katulad ng tamang pagsusuot ng mask at face shield, palaging paghuhugas ng kamay, pagsunod sa social distancing at hindi paglabas ng bahay kung hindi naman kinakailangan,” pahayag ng Senador.
Nanawagang muli si Go sa pamahalaan na bilisan ang pagbabakuna dahil ito ang pinakamabisang paraan para makaiwas sa COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.