Umarangkada na ang golden bid ng Filipina boxer na si Nesthy Petecio para sa 2020 Tokyo Olympics.
Ito ay matapos talunin ni Petecio ang kalaban na si Marcelat Sakobi Matshu ng Democratic Republic of Congo sa Kokugikan Stadium sa Japan.
Naging kontrolado ni Petecio ang laban dahilan para talunin ang kalaban sa Round of 32 ng women’s featherweight division.
Pinanalo ni Petecio ang tatlong rounds ng match dahilan para mag advance sa Round of 16.
Makakalaban ni Petecio ang mas magaling na kalaban na si Taiwanese world No. 1 Lin Yu-ting.
MOST READ
LATEST STORIES