Nasamsam ng mga tauhan ng Bureau of Customs ang P4.5 milyong halaga ng ukay-ukay sa Port of Cebu.
Ayon kay BOC Acting District Collector Charlito Martin Mendoza, galing sa Thailand ang mga kargamento.
Nabatid na smuggled at walang kaukulang dokumento ang mga kargamento.
Ayon sa BOC, idineklarang electronic ang mga ukay-ukay.
Nagpapasalamat ang BOC sa Thai government dahil sa tulong at impormasyon na ibinigay sa bansa.
Agad namang idi-dispose ng BOC ang mga nakumpiskang kargamento.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.