Barangay Ginebra pinadapa ang Blackwater para sa unang panalo

By Jan Escosio July 23, 2021 - 06:01 PM

Hindi nagpatinag ang Barangay Ginebra sa paghahabol ng Blackwater Bossing para makuha ang unang panalo, 96-81, sa 2021 PBA Philippine Cup sa Ynares Sports Center sa Pasig City.

Bago pa sila malamangan, 79-77 ang iskor, nagpasok ng tres si LA Tenorio, na sinundan naman ng dunk ni Japeth Aguilar para makahinga ng maluwag ang Ginebra.

Tinangka muli ng Blackwater na humabol ngunit hindi na pumasok ang kanilang mga tira sa three-point area.

At para ibaon pa ng husto ang Blackwater, dalawang sunod na three-point play ang ginawa ni Christian Standhardinger.

Ang panalo ang pambawi ng Ginebra sa panghihiya sa kanila ng NLEX Road Warriors sa kanilang unang laro noong nakaraang araw ng Linggo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.