MMDA naalarma sa dami ng mga basura na bumabara sa pumping stations

MMDA PHOTO

Kasunod ng halos walang tigil na pag-ulan, bumara ang mga gabundok na basura sa mga drainage at pumping stations kayat lumulubog sa baha ang ilang bahagi ng Metro Manila.

 

Pinangunahan ni MMDA Chairman Benhur Abalos ang inspection sa San Andres Pumping Station at nakita niya ang napakaraming basura.

 

Bunga nito, nakiusap si Abalos sa publiko na sa tamang pamamaraan lang dapat magtapon ng mga basura.

 

Diin niya pinaiigting nila ang kanilang clean-up operations ngunit dapat ay hindi na sadyang magtapon ng mga basura sa kalsada, na babara sa mga daanan ng tubig hanggang sa pumping stations.

 

“It will be a never-ending cycle. People throw garbage, then we conduct cleanup operations. It’s time we break the cycle. Let us exercise discipline in managing our trash properly,” sabi pa ng opisyal.

 

Naisip din nito na posibleng magpakalat na ng marshals na magpapatupad ng community service o multa sa mga mahuhuling nagtatapon ng basura sa kalsada.

Read more...