Morisette kakanta ng national anthem sa huling SONA ni Pangulong Duterte, Direk Brillante at Direk Joyce, out na

By Chona Yu July 23, 2021 - 03:39 PM

Ibinunyag ng Palasyo ng Malakanyang na ang sikat na singer na si Morissette Amon ang kakanta ng national anthem sa huling State of the Nation Address ni Pangulong Rorigo Duterte sa July 26.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, wala na rin ang mga batiking direktor gaya nina Brillante Mendoza at Joyce Bernal na magdi-direk sa huling SONA ng Pangulo.

Ayon kay Andanar, ang direktor ng Radio TV Malacañang (RTVM) na si direktor Danny Abad na ang magdi-direk sa SONA.

Sinabi pa ni Andanar na si PTV General Manager Kat de Castro ang nangunguna sa produksyon.

Puspusan aniya ang paghahanda ngayon ng PCOO para maging memorable at maging makabuluhan ang huling SONA ng Pangulo.

Ayon kay Andanar, pre-recorded na ng Philippine Philharmonic Orchestra ang mga paboritong kanta ng Pangulo gaya ng “Ang Pagbabago,” ni Freddie Aguilar, “What a Wonderful World,” ni Louis Armstrong, “Dust in the Wind,” ng Kansas at “McArthur Park” ni Richard Harris.

 

 

 

TAGS: Danny Abad, direk Brillante Mendoza, Direk Joyce Bernal, Morisette Amon, Rodrigo Duterte, SONA, Danny Abad, direk Brillante Mendoza, Direk Joyce Bernal, Morisette Amon, Rodrigo Duterte, SONA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.