DILG: Walang mali sa pagbasura ng QC LGU sa SONA rally permit application ng Bayan

By Jan Escosio July 23, 2021 - 03:25 PM

 

Sinabi ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na saklaw ng kapangyarihan ng mga lokal na pamahalaan na aprubahan o tanggihan ang hiling ng anumang grupo na makapagsagawa ng kilos-protesta.

Ginawa ng DILG ang paglilinaw matapos mapa-ulat na tinanggihan ng pamahalaang-lungsod ng Quezon ang hiling ng grupong Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) na makapagkasa ng kilos-protesta sa Commonwealth Avenue sa Lunes, kasabay ng huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Duterte.

“Granting of rally permit is within the authority of the mayors. They must abide by the IATF omnibus guidelines particularly on provisions against mass gatherings,” sabi ni Interior Sec. Eduardo Año.

Binanggit nito ang nakasaad sa Batas Pambansa 880 o Public Assembly Act of 1985 kung saan nakasaad na bahagi ng responsibilidad ng alkalde na magbigay ng permit maliban na lang kung may sapat na dahilan na malalagay sa panganib ang publiko sa isasagawang public assembly.

Ikinatuwiran ng Qc LGU na delikado sa hawaan ang kilos-protesta at base na rin sa rekomendasyon ng Quezon City Police District ang naging desisyon na hindi payagan ang Bayan sa kanilang kahilingan.

TAGS: BAYAN, Rally, Secretary Eduardo Año, SONA, BAYAN, Rally, Secretary Eduardo Año, SONA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.