Sen. Leila de Lima sinabing tama ang posisyon ng SC sa pagharap sa ICC ni Pangulong Duterte

By Jan Escosio July 23, 2021 - 03:05 PM

Tamang desisyon, ayon kay Senator Leila de Lima, ang ginawa ng Korte Suprema ukol sa sinasabing pag-iwas ni Pangulong Duterte na maimbestigahan ng International Criminal Court (ICC).

Ayon kay de Lima hindi maiiwasan ng Punong Ehekutibo ang gagawing imbestigasyon ng ICC sa mga sinasabing crimes against humanity nito.

Diin din ng senadora, hindi rin maaring kumalas na lang ang Pilipinas sa ICC base sa kagustuhan ng pangulo ng bansa.

Ano pa nga ba ang dahilan ng pag-alis ni Duterte mula sa Rome Statute/ICC kundi para iwasan ang mga napipintong kaso laban sa kaniya at sa polisiya niya ng malawakang pagpatay sa ilalim ng kaniyang War on Drugs?” tanong ni de Lima.

Sinabi pa nito, sa desisyon ng Korte Suprema ay kinatigan nitio ang pahayag ni dating ICC Prosecutor Fatou Bensouda na hindi maaring kumalas ang bansa sa Rome Statute.

 “Ibig sabihin, mananagot at mananagot pa rin si Duterte sa mga kasalanang naganap bago opisyal na nakaalis ang Pilipinas sa ICC noong March 17, 2019,” ayon pa kay de Lima.

Magugunita na unanimous ang 15-member Tribunal sa pagsasabing hindi rin maaring kumalas sa anumang pandaigdigang kasunduan ang Pilipinas ng hindi ikinukunsidera ang posisyon ng Senado.

TAGS: ICC, korte suprema, leila de lima, Rodrigo Duterte, ICC, korte suprema, leila de lima, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.