China magtatayo ng outpost sa Bajo de Masinloc

By Kathleen Betina Aenlle April 26, 2016 - 04:34 AM

 

Scarborough-Reef2Iniulat ng Hong Kong media na magsasagawa ng konstruksyon ang China sa pinag-aagawang Panatag Shoal na nasa loob ng exclusive economic zone ng Pilipinas ngayong taong ito.

Ayon rin sa South China Morning Post, isang source nila mula sa Peopla’s Liberation Army magatayo ang nagsabing magtatayo sila ng outpost sa nasabing shoal na kilala rin bilang Bajo de Masinloc at Scarborough Shoal.

Anila, sinabi rin ng kanilang source na ang pagtatayo ng outpost ng China sa pinag-aagawang teritoryo ay makakatulong na mas mapaganda ang kanilang air coverage sa South China Sea, at posibleng magtayo rin sila ng air strip.

Ayon pa sa source, ginagawa ito ng China dahil sa presensya ng US military sa rehiyon.

Naganap ang pag-anunsyo hindi katagalan matapos rin i-anunsyo ang gagawing joint naval patrols ng Pilipinas at ng Estados Unidos sa rehiyon.

Nakapaglayag na rin ang US ng mga barko malapit sa mga islang inaangkin ng Beijing kasabay ng pag-aakusa sa kanila ng militarisasyon sa South China Sea.

Pilipinas ang umaangkin sa Panatag Shoal, ngunit nakikiagaw ang China dahil ayon sa kanila, sila na ang nangangasiwa doon simula pa noong 2012.

Nag-istasyon na rin sila doon ng mga patrol vessels na tumataboy naman sa mga mangingisdang Pilipino na ang pangunahing kabuhayan ay naka-depende sa pinag-aagawang dagat.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.