Sen. Tito Sotto hiniling sa DOH na paghandaan ang COVID-19 Delta variant surge
Matapos makumpirma ang local transmission ng mapanganib na Delta variant ng COVID-19, hinikayat ni Senate President Vicente Sotto III ang Department of Health (DOH) na maghanda na sa posibleng pagdami ng kaso sa bansa.
Diin ni Sotto na sa maagang paghahanda ay mapipigilan pa ang pagkalat ng Delta variant ng nakakamatay na virus.
“Handa na ba ang ating gobyerno kung sakaling magkaroon ng surge ng COVID 19 cases na dulot ng Delta variant? May mga nakahanda na bang response measures?” ang mga tanong ng senador.
Dagdag katanungan din ni Sotto kung handa na ang healthcare facilities at workers sakaling lumubo pa ang bilang ng Delta variant cases sa bansa.
Ayon sa senador napakahalaga na maramdaman ng sambayanan na kumikilos ang gobyerno, partikular na ang mga nasa posisyon, para sa kaligtasan ng lahat.
Sinabi din ni Sotto na kung maari ay ibalik ang mahigpit na paglimita sa galaw kahit ano po ang umiiral na quarantine restrictions lalo na sa mga pagtitipon.
Suportado din niya ang hakbang na muling ipagbawal ang paglabas ng mga may edad 5 hanggang 17 para mas malimitahan ang bilang ng mga nasa mga pampublikong lugar.
Giit pa ni Sotto hindi na dapat maulit pa ang mga naging pagkakamali nang magsimula pa lang ang pandemya sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.