COVID-19 tracker app inilunsad ng DepEd para sa mga teaching and non-teaching personnel

By Jan Escosio July 23, 2021 - 10:51 AM

Para sa ligtas na pagpababakuna ng kanilang mga kawani, inilunsad ng Department of Education (DepEd) ang sarili nilang COVID-19 tracker app.

Layon ng DepEd Mobile App na magkaroon ng daan para malaman ang vaccination status ng mga kawani ng kagawaran.

 “We decided to create this platform to give our personnel and teachers a hassle-free and contactless way of handing out their vaccination status. We also want to maximize the use of technology in consolidating information of the vaccinees,” sabi ni Education Sec. Leonor Briones.

Paliwanag pa ni Briones sa pamamagitan ng tracker app hindi na kailangan pa ng manual data collection at mismong ang kawani na ang magbibigay ng mga kinakailangan impormasyon ukol sa kanilang pagpababakuna.

Ayon naman kay Usec. Alain del Rosario mababawasan sa paggamit ng app ang mga kulang o maling impormasyon ng mga datos.

Paniwala din niya makakatulong ito sa national vaccination program.

Kasabay nito, patuloy din ang pagpupirsige ng DepEd sa kanilang Vacc2School program para mahikayat ang lahat ng kanilang kawani na magpabakuna na kung may pagkakataon.

TAGS: deped, secretary leonor briones, tracker app, deped, secretary leonor briones, tracker app

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.