Mga bata na nag-eedad ng limang taong gulang pataas, bawal lumabas ng bahay dahil sa Delta variant

By Chona Yu July 23, 2021 - 09:55 AM

Sinuspendi na ng Inter-Agency Task Force ang implementasyon ng naunang resolusyon na pinapayagan ang mga batang nag-eedad ng limang taong gulang pataas na makalabas ng bahay kahit may pandemya pa sa COVID-19.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque, binaw i ng IATF ang naunang resolusyon dahil sa banta ng Delta variant.

Ayon kay Duque, nagkaisa aniya ang IATF na iatras muna ang resolusyon para masiguro ang kaligtasan ng mga bata.

Sa IATF Resolution 125, pinapayagan ang mga bata na nag-eedad ng limang taong gulang pataas na makalabas ng bahay sa mga lugar na nasa modified general community quarantine (MGCQ) at general community quarantine (GCQ).

Ayon kay Doque, magsasagawa ng assessment ng IATF sa susunod na dalawang linggo bago mag desisyon kung papayagan o hindi na makalabas ng bahay ang mga bata na nag-eedad ng limang taong gulang pataas.

Sa pinakahuling talaan ng DOH, 47 na Delta variant na ang naitala sa bansa kung saan nagkaroon na rin ng local transmission.

 

TAGS: Bawal Lumabas, COVID-19, Delta varianat, IATF, limang taong gulang, Bawal Lumabas, COVID-19, Delta varianat, IATF, limang taong gulang

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.