Olympian Cris Nievarez pasok na sa quarterfinals

Pasok na sa quarterfinalds ng 2020 Tokyo Olympics ang pambato ng Pilipinas na si Cris Nievarez.

Ito ay matapos makuha ng 21 anyos na si Nievarez ang ikatlong puwesto sa men’s single sculls heat 5 sa record na 7:22.97.

Nanguna naman si 2016 Olympics silver medalist Damir Martin ng Coatia sa record heat na 7:09.17 habang nasa ikalawang puwesto si Alexander Vzazovokan ng Russia sa 7:14.95.

Matatandaang naging gold medalist si Nievarez sa 2019 SEA Games.

 

Read more...