P2.3 bilyong halaga ng ukay-ukay nasamsam sa Valenzuela City

By Chona Yu July 23, 2021 - 09:22 AM

Aabot sa P2.3 bilyong halaga ng ukay-ukay ang nasabat ng Bureau of Customs sa isang warehouse sa Mayzan, Valenzuela City.

Ayon kay BOC Commissioner Rey Leonardo Guerrero, pawang mga peke na brand ng damit ang kanilang nasamsam.

Kabilang sa mga nasamsam  ang mga pekeng brand ng Nike, Louis Vuitton at Dior.

Nasamsam ang ukay-ukay sa bisa ng Letter of Authority na inilabas ng BOC.

Kasama sa nagsagawa ng oeprasyon ang Port’s Enforcement and Security Service (ESS), Philippine Coast Guard (PCG) at Presidential Anti-corruption Commission (PACC).

 

TAGS: Bureau of Customs, pekeng Louis Vuitton, ukay-ukay, Valenzuela City, Bureau of Customs, pekeng Louis Vuitton, ukay-ukay, Valenzuela City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.