Niyanig ng 4.3 magnitude na lindol ang Naval, Biliran 7:15 kagabi.
Ayon sa Phivolcs, naramdaman ang Intensity IV sa Calubian, Leyte.
Naramdaman naman ang Intensity III sa Naval, Kawayan, Almeria; Cabucgayan, Caibiran, Culaba at Biliran pati a sa San Isidro at Leyte, Leyte.
Naramdaman din ang Intensity II sa Capoocan, Kananga at Palompon.
Ayon sa Phivolcs, tectonic ang origin ng lindol.
Wala namang naiulat na nasirang ari-arian dahil sa lindol.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.