Bagyong Fabian bumagal, Signal Number 1 nakataas pa rin sa Batanes at Babuyan Islands

Naging mabagal na ang pagkilos ng Bagyong Fabian habang tinatahak ang Sea South ng Miyako Islands.

Base sa advisory ng Pagasa kaninang 5:00 ng umaga, nanatiling nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal Number 1 sa Batanes at Babuyan Islands.

Namataan ang sentro ng bagyo sa 510 kilometers Northeast ng Itbayat, Batanes.

Taglay ng bagyo ang hangin na 150 kilometers per hours at pagbugso na 185 kilometers per hour.

Hindi naman direktang magdadala ng malakas na buhos ng ulan ang Bagyong Fabian sa bansa.

Subalit dahil sa Southwest Monsoon, uulanin pa rin sa susunod na 24 oras ang Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Metro Manila, Calabarzon, Central Luzonat bahagi ng Mimaropa region.

Inaasahang lalabas na sa Philippine Area of Responsibility ang Bagyong Fabian mamayang gabi o bukas ng umaga.

Read more...