Leni Robredo, umangat ng 7 points sa pinakahuling survey

 

Inquirer file photo

Mula sa mababang ranggo, umarangkada na si Liberal Party standard bearer Leni Robredo sa top spot ng vice presidential race ayon sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS).

Ayon kay Robredo, noong nag-uumpisa pa lamang siya sa mga unang buwan, tila imposible na agad ang makahabol sa kaniyang mga kalaban.

Ngunit ngayon na hindi lang siya basta nakahabol, kundi nanguna pa, masaya ang mambabatas at lalo pa siyang ginaganahan dahil namumunga na ang kaniyang masugid na pagta-trabaho.

Tumaas ng 7 puntos si Robredo sa April 18-20 na survey ng SWS-BusinessWorld, at nakuha ang boto ng 26 percent ng 1,800 na respondents sa buong bansa.

Kasunod at halos kadikit niya si Sen. Bongbong Marcos na nakakuha ng 25 percent, habang pangatlo naman na si Sen. Francis “Chiz” Escudero na ngayon ay nakakuha na lang ng 18 percent.

Sumunod naman kay Escudero si Sen. Antonio Trillanes IV sa 5 percent at Gregorio Honasan sa 2 percent.

Sa kaniyang simula, nasa 1 percent lamang ang kaniyang natamasang puntos sa mga surveys habang ang nangunguna pa noon ay si Escudero na may 44 percent.

Read more...