(Courtesy: Philippine Rice Research Institute)
Aprubado na ng Department of Agriculture-Bureau of Plant Industry (DA-BPI) ang bagong uri ng bigas na kung tawagin ay Golden Rice.
Nabatid na nilagdaan na ni DA-BPI Director George Culaste ang permiso para sa commercial propagation ng Golden Rice noong July 21, 2021.
Ayon kay Culaste, mabisang gamitin ang Golden Rice sa pagtatanim dahil mayroon itong beta carotene na nagiging vitamin A sa katawan.
Makatutulong ito para sa malinaw na paningin, malakas na pangangatawan laban sa impeksyon, at tamang paglaki.
Sinabi pa ni Culaste na maituturing na isang tagumpay itong commercial propagation permit ng Golden Rice hindi lamang para sa mga mananaliksik sa likod nito, kundi lalo’t-higit sa mga Filipinong nangangailangan ng sapat na nutrisyon.
Nabatid na sumailalim muna sa pagsusuri ng Department of Science and Technology, Department of Agriculture, Department of Environment and Natural Resources, Department of Health, at Department ofInterior at Local Government ang Golden Rice.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.