Isang milyong doses ng Sinovac COVID-19 vaccines dumating na sa bansa

AFP photo

Karagdagang isang milyong doses ng Sinovac COVID-19 vaccines ang dumating sa bansa.

Galing sa Beijing, China ang mga bakuna at dumating kaninang umaha,  July 23 sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 sakay ng Cebu Pacific Flight 56723.

Dahil dito, nasa 30 milyong doses na ng COVID-19 vaccines ang nakukuha ng Pilipinas.

Nabatid na ilalaan ang mga bagong dating na bakuna sa mga lugar na may matataas na kaso ng COVID-19.

 

Read more...