China walang ginagawang oil exploration sa Scarborough Shoal

By Chona Yu July 22, 2021 - 03:45 PM

(Contributed photo)

Kumpiyansa ang Palasyo ng Malakanyang na walang ginagawang oil exploration ang China sa Scarborough Shoal.

Ito ay kahit na may natagpuan na ocean bottom seismometer na mayroong Chinese characters sa Scarborough Shoal.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, kinakailangan kasi na isang barko ang magbabato ng sound signal para ma explore kung mayroong langis sa ilalim ng karagatan.

“So for now, we’re confident na wala naman pong exploration na nagaganap diyan sa Scarborough at kung mayroon naman po and if we can verify it then we will file or do the corresponding action,” pahayag ni Roque.

Na ngayon, sinabi ni Roque na sakali mang totoo ang ulat at naberepika, maghahain ng kaukulang reklamo ang Pilipinas laban sa China.

“Wala po kaming official reaction diyan because I think your question is based on speculation ‘no. As far as we know po, binabantayan natin iyong mga barkong naglalayag diyan sa Scarborough Shoal at wala naman pong nari-report sa atin na isang barko na ginagamit for exploration purposes ‘no. Kinakailangan po kasi ng barko talaga na nagbabato ng sound signal ‘no sa ilalim ng karagatan para po mag-explore kung mayroon ngang langis sa ilalim po ng karagatan. Wala naman pong ganoong report na nakukuha,” pahayag ni Roque.

Kasabay nito, sinabi ni Roque na sa ngayon, wala pang balak ang Palasyo na pagpaliwanagin ang China.

May ginagawa pa kasi aniyang imbestigasyon ang pamahalaan.

“Hindi po. Nag-iimbestiga talaga tayo kung bakit nakuha iyong ganiyang equipment. Pero alam ninyo po without the boat, hindi po magagamit din iyang equipment na iyan ‘no. So ang tinitingnan po natin ay kung mayroon talagang mga barko na naglalayag diyan for the purpose of oil exploration,” pahayag ni Roque.

Matatandaan na noong July 1, natagpuan ng mga mangingisda sa Pangasinan ang isang ocean bottom seismometer na may Chinese characters sa Scarbourugh Shoal.

TAGS: China, Chinese characters, ocean bottom seismometer, oil exploration, scarborough shoal, China, Chinese characters, ocean bottom seismometer, oil exploration, scarborough shoal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.